Dear Diary,
Kanina ay abalang abala ako sa pakikipagtext-an sa aking nakaraang kachakahan. Hindi, nakaraan. Alam mo na yun wag ng painosente. Ayaw ko sanang magreply sa “Kamusta ka na?” niya dahil nararamdaman kong kong G.M. lang yun, pero mukhang hindi naman. Sabi ko, “Ayos lang ako, ikaw?” Habang tumatagal ay palalim ng palalim ang aming pag-uusap at bigla niyang naitanong kung sino ang kasama ko. Siyempre, sabi ko “Ako lang.” para maiksi lang ang isasagot ko. Sabi niya’y pupuntahan niya ako dito sa class ko, sasamahan niya muna ako. Aba’y ang sagot ko ay “Osige, lika na ah.” Ang landi.
Sabi niya antayin ko daw siya, magpapalit lang siya. Paulit ulit niyang sinabing “w8 moq jan.” hanggang sa ngayon, wala pa rin siya. Ayun, pinatulog ko na. Hindi ko na tinanong sakanya kung bakit hindi siya nagpunta dahil nakakaurat. Kung gusto niya akong makita, bakit siya nagsinungaling? Asar lang. Ilang kanto lang ang layo ng bahay nila dito sa skul.
Pero maiba na lang, napagusapan din naman ang nakaraan. Hindi naman kasi talaga seryoso iyong sa amin eh. Hindi seryoso in a way na, hindi ganoon kalalim ang feelings, hindi ganoon karami ang pinagsamahan. Ang sagwa naman kasing pakinggan kung trip by trip lang, pero medyo parang ganoon na din siguro. Noong naging kami ay malabo ang ‘friendship’ namin ni Pastlove, so pwede na rin sigurong sabihin na pumayag akong makipaglandian dito kay KJS dahil medyo sawi ako. Siya naman, ganoon din sa nililiigawan niya, dahil may nagugustuhan ng iba iyong babae. Pero crush ko naman talaga siya. Tuwing nagkakasalubong kami at ng mga barkada niya, lagi nila akong inaasar sakanya. Pero hanggang doon na lang iyon. Ewan, di ko alam kung paanong naging kami, pero iyon na nga ang nangyari. Noong mga panahong iyon ay lagi naman niya akong tinatawagan. Kapag kaklase ko xa, lagi kaming magkatabi. at ngayong wala na kme, ganun pa rin kaya?
Paanong natapos ang relasyon namin? Wala. Di ko alam. Naglaho ng parang bula. Nawala ang cellphone niya, sinabi niya sa akin safacebook, at bigla na lamang natigil ang lahat. Weird nga eh, hanggang ngayon, wala pa rin yung mga salitang, break na tayo.
Oh, eh ayan, kanina’y nagtatanong siya kung may pag-asa pa ba siya. Ay ewan ko pero ang sarap lang niyang sapakin. Di ko alam. Crush ko pa rin siya hanggang ngayon. Pero siguro, hanggang doon na lang talaga iyon.
Nagmamahal,
GALLY
Monday, July 12, 2010
Posted by *gaLcien* at 1:04 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment