Pinakawalan ni kupido ang pana ngunit nagdalawang isip sya sa mga huling segundo ng pagbitaw nito, huli na ang lahat at mabilis na tumusok ang pana sa dalawang nilalalng na may piring sa mga mata at kapwa hindi handa sa sumpa ng pag ibig. nag alinlangan ang mga isip ngunit sa likod ng mga nakapiring na mga mata ay kitang kita na umaapaw ang pagmamahal na gusto pakawalan sa oras na magkadikit ang mga katawan at labi. hindi alam ni kupido ang gagawin at nag antabay sa mga mangyayari, sabi ni kupido "SHIT KA KUPIDO". nang bumukas ang mga pakpak ni kupido ay humangin ng malakas at naalis ang piring sa mata ng dalawang nilalang at nakita na may pana na nakatusok sa kanilang mga puso.
ilang araw at gabi na balisa ang dalawa at nag iisip kung bubunutin ba nila ang panahahayaan nalang nila ang pagkakabaon nito. sa muli nilang pagkikita ay walangsalita ang lumabas sa kanilang mga bibig at ang dating mga itim na mata ay asul na, walang sabi sabi ay mahigpit silang nagyakapan at muling nagdampi ang kanilangmga labi at hinawakan ang pana ng bawat isa at sabay itong binunot. tulad nginaasahan ay umapaw nga ang dugo ng tunay na pagmamahal na habang tumatagalay lalo lang lumalakas ang pag-agos at daloy nito.
bumitiw ang isat isa sa pagkakayakap at dumulas ang kanilang mga kamay upangmaghawak at nabitawan sa kabilang kamay ang hawak na pana ni kupido. nagkatitigan saglit at pilit na ngumiti kahit may mga luha nang namumuo sakanilang mga mata. wala nang nagawa si kupido sa kanya mga nakikita at pinulotang mga nalaglag na pana, sa pag dampot nya ng mga ito ay napatakan ng dugo angkanyang mga kamay mula sa puso ng dalawa... dun nya naramdaman kung gaanokasakit ang nadarama ng dalawa at napaiyak nalang, tinignan ang dugo sa mgakamay at dun lang sya nakakita ng ganung kapulang dugo na tila sumisibulo ngwalang hanggang pag ibig na nasasayang.
tumayo si kupido at tumalikod sa dalawa, ipinikit ang mga mata at inisip kung anoang dapat nya gawin. sa kanyang pag kakapikit ay lalo lang nyang naramdaman angkalungkutan at narinig ang taghoy ng mga pusong may sugat mula sa mga tinangalna pana. napabulong sa sarili "SHIT KA KUPIDO". pagmulat ay nakita angdalawang pana na may bahid ng dugo. hinawakan ang mga talim nito at nahiwa angmga daliri, bigalang nagningning ang mga mata ni kupido at muling humarap sadalawa.
hiniwa ni kupido ang kanyang mga pakpak, pilit na tinangal at kinabit ito sadalawang nilalang, tig-isa sila, sa isip-isip niya ay parang tanga tong dalawa natig-isa lang ang pakpak pero alam nya na ndi makakalipad ang isa kung wala angisa... darating ang panahon na maghihilom ang mga sugat ng puso, maaring hindi pa sila ngayon makakalipad pero balang araw... balang araw muli silang liligaya... ngmagkasama...
bumitiw sa pagkakahawak ang dalawa at tumalikod na, naglakad papalayo mula saisa't isa, hindi nila alam na sabay silang bumulong. "SHIT KA KUPIDO", at hindirin nila alam na may tig-isa silang pakpak, pareho rin silang nakahawak sa dibdibupang pigilan ang pagtagas ng dugo mula sa kanilang mga puso, at hindi nila alamna naroon si kupido sa pagitan nila kung saan sila huling tumayo ng magkahawak at agkaharap, lumuluha at nasasaktan din. tinatanong ang sarili. "ano nga ba angpag-ibig?"
hindi na napigilan ni kupido ang damdamin, napaluhod at napatingala sa madilim nakalangitan at sumigaw...
"PATAWAAAAAD!" o
Wednesday, June 30, 2010
SHIT KA KUPIDO!
Posted by *gaLcien* at 10:35 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment